Duterte, nasa peak ng kanyang health condition ayon sa Palasyo

duterte01Walang nakikitang rason ang Malacañang na maglabas ng medical bulletin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, araw araw namang nagbibigay ng update ang pangulo ukol sa lagay ng kanyang kalusugan.

Wala aniyang dapat na ikabahala ang publiko dahil nasa peak ang health condition ng pangulo.

Kung tutuusin ayon kay Abella, lagpas pa sa walong oras ang pagtatrabaho ng pangulo.

Minsan aniya ay inaabot pa ng labing anim na oras ang trabaho ng pangulo dahil sa dami ng problema na kinakailangan na atupagin.

Una rito, sinabi ni Duterte na patuloy siyang nakararanas ng back pain, migraine at burgeurs disease.

Read more...