Mga tauhan ng CIDG Region 8, sumailalim sa preliminary investigation sa kaso ng pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Inquirer.net Photo | Tetch Torres-Tupas
Inquirer.net Photo | Tetch Torres-Tupas

Umarangkada na ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors laban sa mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 at Philippine National Police-Maritime Group.

Ito ay kaugnay sa reklamong multiple murder at perjury na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagpatay kina Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at kapwa nito inmate na si Raul Yap.

Dumating sa pagdinig ang 23 pulis kabilang na sina CIDG Region 8 Regional Director P/Supt. Marvin Marcos at ang pulis na nakabaril mismo kay Espinosa na si Police Chief Inps. Leo Laraga.

Hindi nakarating sa hearing ang ginamit na testigo ng CIDG para makakuha ng search warrant sa Korte na si Paul Olendan gayundin ang nag-AWOL na si PO2 Neil Patrimonio Sentino.

No show naman ang kinatawan ng NBI na siyang tumatayong complainant sa kaso.

Hindi rin nakapagsumite ng kanilang counter-affidavit ang 14 sa mga inirereklamong pulis dahil wala pa silang abugado.

Binigyan ng panel ang mga respondents nang hanggang January 23, 2017 para magsumite ng kanilang kontra-salaysay.

Kaagad din namang ibinalik sa Camp Crame ang mga nasabing pulis matapos ang pagdinig.


 

Read more...