Ayon kay PAGASA forecaster Aldzcar Aurello, malayo-layo pa sa ngayon ang lokasyon ng LPA pero sa araw ng Biyernes, December 23 ay inaasahang papasok na ito ng bansa.
Maaring makapagpaulan ito sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
May posibilidad din ayon kay Aurello na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA, at kapag naging bagyo habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay papangalanan itong “Nina”.
Ngayong araw na ito, Northeast Monsoon pa rin ang naka-aapekto sa Northern at Central Luzon, habang may tail end ng cold front sa Eastern section ng Southern Luzon.
Ayon sa PAGASA, magiging maulap ang papawirin na mayroong light hanggang moderate nap ag-ulan sa mga rehiyon ng Bicol, Eastern at Central Visayas, Caraga, at sa lalawigan ngQuezon.
May isolated na pag-ulan naman na mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.