Kinumpirma ni Paolo Calalay sa post nito sa Facebook na pumanaw na ang kanyang tiyuhin na si dating Quezon City 1st District Congressman Francisco “Boy” Calalay.
“R.I.P. Uncle/Congressman Boy Calalay ma miss ka naming uncle magkakasama na kayo ni Dadi” ani Paolo Calalay sa kaniyang post.
Napuno naman ng pagdadalamhati at pakikiramay ang Facebook page ni Boyet Calalay, ang panganay na anak ng dating mambabatas. Kabilang sa nagpaabot din ng pakikiramay si Quezon City 1st District Councilor Doray Delarmente.
Ayon sa Konsehala, “sa aking “seatmate,” ang aking “tatay” noong magkasama pa tayo sa konseho, ang isa sa pinaka simple at pinakamababait na nagging congressman ng ating bansa… maraming maraming salamat po. Congressman Boy Calalay. Salamat sa lahat ng tulong at pagmamahal mo sa aming pamilya, at lalong-lalo na sa distrito 1, Quezon City. Hinding- hindi ka naming makakalimutan. Paalam.”
Base sa post ni Boyet Calalay sa kanyang Facebook account nung December 15, lumabas na sa ICU at na ilipat na sa private room ang kanyang ama, at nito lamang December 18, nagpasalamat pa ito sa mga bumisita at nagpadala ng bulaklak sa dating kongresita, kasabay ng paghingi ng panalangin sa patuloy nitong paggaling.
Patuloy naman naming sinusubukan makausap at makapanayam ang pamilya ni dating Cong. Boy Calalay.