Siyam ang patay, 50 sugatan sa pag-araro ng truck sa Christmas market sa Berlin

Photo Credit: https://travelaway.me/
Photo Credit: https://travelaway.me/

Inararo ng isang malaking truck ang Christmas market sa Berlin, Germany, habang abala ang marami sa pamimili ilang araw bago ang Pasko.

Sa datos na inilabas ng mga otoridad, umabot na sa siyam na katao ang nasawi at aabot sa limampung iba pa ang nasugatan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, itinuturing nila itong isang pag-atake, tulad ng nangyari sa Bastille Day celebration sa France kung saan inararo din ng isang truck ang mga taong nanonood ng fireworks na ikinasawi ng 86 katao.

Ang nasabing pag-atake sa Bastille Day ay inako ng Islamic State.

 

 

Read more...