Russian ambassador to Turkey, patay sa kamay ng gunman

 

Patay ang Ambassador ng Russia sa Turkey matapos itong paputukan ng nagsosolong gunman sa loob ng isang art exhibit sa Ankara, Turkey.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ambassador Andrey Karlov matapos itong paulanan ng bala ng naturang suspek.

Kasalukuyang nagbibigay ng kanyang opening speech si Ambassador Karlov nang paputukan ito ng nagsosolong salarin.

Matapos ang pamamril, nagsisigaw pa ang gunman ng ng ‘Allahu akbar ‘ (God is Great) at “Do not forget Aleppo! Do not forget Syria!”

Habang sumusugod sa lugar na pamamaril ang mga otoridad, kita sa mga kumakalat na video clips ang paglalakad at pagsisigaw ng salarin na isa umanong miyembro ng special forces batay sa inisyal na report.

Nang dumating ang mga otoridad agad nilang na-neutralize ang hindi pa nakilalang salarin.

Ayon sa foreign ministry ng Turkey, kanilang ikinukunsidera bilang isa ‘terror attack’ ang pangyayari.

Read more...