Ligtas na mga lansangan na ipinagmamalaki ng Duterte admin hindi totoo ayon sa mga pari at mambabatas

 

Ipinapakita lamang ng pinakahuling resulta ng SWS survey na walo sa sampung tao sa bansa ang nakakaramdam ng takot sa mga nagaganap na extrajudicial killings sa bansa.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, kahit walang survey, malinaw na umiiral na ang kawalan ng batas o ‘lawlessness’ sa mga lansangan.

Ayon naman kay Senador Francis Pangilinan, ipinapakita ng survey na sa kabila ng mga ibinibida ng Duterte administration, hindi pa rin ramdam ng publiko na ligtas ang mga lansangan dahil sa dami ng mga kaso ng patayan.

Ganito rin ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na nagsabing hindi totoong ligtas na ang mga lansangan sa ngayon dahil kahit sino ay maaring maging biktima ng extrajudicial killing.

Umaasa naman si Fr. Jerome Secillano na sa pamamagitan ng resulta ng survey, magigising ang taumbayan at igigiit sa Duterte administration na ipatigil na ang walang habas na mga pagpatay.

Read more...