Magsisimula na sa susunod na taon ang pag uusap sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sisimulan na ng gobyerno ang paghahanda para ma-formalize ang lahat ng mga isyu para sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Dagdag ng pangulo, hindi makikialam ang Moro National Liberation Front sa pangunguna ng kanilang Founding Chairman na si Nur Misuari dahil pareho lang naman ang kanilang hangad na magkaroon na ng kapayapaan sa Mindanao.
Matatandaang hindi nakalusot ang Bangsamoro Basic Law sa Kongreso sa ilalim ng Aquino administration na magiging susi umano sana para sa ganap na kapayapaan sa Mindanao region.
MOST READ
LATEST STORIES