Wala pang holiday related incident na naitatala sa Metro Manila ayon sa NCRPO

PNP-NCRPO Photo
PNP-NCRPO Photo

Sa apat na araw na pagpapatupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng “Ligtas Paskuhan 2016” ay wala pang naitatalang holiday related incident.

Base sa monitoring ng NCRPO mula kay Chief Insp. Kim Molitas, wala pang insidente na may kaugnayan sa paggamit ng paputok, ligaw na bala, indiscriminate firing at maging ng sunog dahil sa paputok.

Nagsimula ang monitoring ng NCRPO noong Biyernes, December 16, na unang araw ng tradisyunal na Simbang Gabi.

Nauna nang nanawagan si NCRPO Chief, Director General Oscar Albayalde sa publiko na makipagtulungan at makiisa para sa ligtas at mapayapang paggunita ng kapaskuhan sa Metro Manila.

Giit ni Albayalde target nila ang zero casualty at zero crime celebration ngayong holiday season.

 

Read more...