Sa kabila ng pagguho, konstruksyon sa ginagawang gusali sa Legarda, Maynila, pwedeng ituloy

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Muling pinahintulutan ng Manila City Engineering Office ang pagpapatuloy ng konstruskyon ng itinatayong gusali ng isang fastfood chain sa Legarda, Maynila matapos matiyak na walang banta ng pagguho nito.

Ayon kay Engr. Roger Legazpi, head ng city engineers office, base sa kanilang inspesksyon ang bumagsak lamang noong Biyernes ay bahagi ng canopy at hindi ang mismong gusali.

Base sa imbestigasyon, tinanggal agad ang scaffolding na sumusuporta sa kagagawa pa lamang na canopy kaya bumagsak ito.

Dapat daw kasi ay 14 na araw pa ang hinintay bago tinanggal ang scaffolding para matiyk na matigas na ang semento.

Tiniyak naman ng opisina na kumpleto sa mga permit ang ginagawang gusali.

Inabswelto din ang contructor na “Yumandag Builders” sa nangyaring pagguho ng canopy.

Magugunitang bumagsak ang ginagawang bahagi ng dalawang palapag na gusali noong Biyernes kung saan apat na trabahador ang nasugatan.

 

Read more...