Mahigit labing anim na libong pamilya na ang apektado ng pagbahang nararanasan sa Eastern Samar.
Katumbas itong nasa 72,962 na indibidwal.
Sa datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa nasabing bilang 12,203 na pamilya o 52,674 na katao ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers.
Nakapagtala din ng limang bahay na nawasak dahil sa flashflood.
Ayon sa DSWD, nakapaglaan na sila ng relief assistance na nagkakahalaga ng mahigit 2.1 million pesos para sa mga apektadong pamilya.
READ NEXT
Department Order sa mahigpit na pagpapatupad ng batas kontra contractualization, ilalabas ng DOLE
MOST READ
LATEST STORIES