Biyahe ng MRT nagka-aberya na naman

MRT-0507-660x371

Dalawang beses na nakaranas ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit ngayong Lunes ng umaga.

Sa abiso sa twitter, sinabi ng MRT na kaninang alas 6:41 ng umaga, isang tren nila ang nagbaba ng mga pasahero sa bahagi ng Ortigas station southbound.

Ito ay dahil sa nakaranas umano ng technical problem ang nasabing tren.

Alas 6:44 naman ng umaga nang maibalik sa normal ang serbisyo ng MRT matapos maisakay sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero.

Samantala, alas 10:22 ng umaga nang huminto naman ang isa pang tren ng MRT sa pagitan ng Buendia at Guadalupe station northbound.

Tumagal nang anim na minuto bago madala sa Guadalupe station ang humintong tren at saka lamang napababa ang mga pasahero.

 

 

Read more...