Iyan ang sinabi ni LTO Chief Edgar Galvante sa pag-uumpisa ng pamamahagi ng plastic driver’s license card.
Kailangan lamang aniya na iprisinta ng claimant ang official receipt kung kailan sila nag-apply ng driver’s license.
Nagbabala rin ang LTO sa publiko na huwag makipagtransaksiyon sa mga fixer para maiwasan na mabiktima ng mga ito.
Tiniyak din ni Galvante na hindi magiging mabagal ang pamamahagi ng driver’s license dahil computerized na ang kanilang sistema.
Una nang sinabi ng LTO na mula ngayong araw, ire-release nila ang 700,000 na mga driver’s license sa 36 na licensing office sa buong Metro Manila.