Pambato ng Pilipinas, bigong masungkit ang Miss World crown; nagtapos sa top 5

Twitter Photo | @MissWorldLtd
Twitter Photo | @MissWorldLtd

Nabigo ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray na masungkit ang korona sa Miss World 2016

Nakapasok si Gray hanggang sa top 5 ng pageant at pinalakpakan din ng audience ang magandang sagot nito sa Question and Answer.

Sa announcement ng winners, itinanghal bilang 2nd runner up ang pambato ng Indonesia.

First runner up ang Dominican Republic at Miss World 2016 si Ms Puerto Rico.

Sa Q and A portion, tinanong si Gray kung ano ang sa tingin niya mga qualities ang dapat na meron para maisuot ang korona.

Ayon kay Gray, kinakailangan ng bravery o katapangan dahil ang pagsusuot ng Miss World crown ay mistulang pagbitbit sa isang malaking torch na magbibigaw liwanag sa buhay ng marami.

Ani Gray, iaalay niya ang kaniyang buhay, pagmamahal sa sining at boses para subukang iangat, i-empower at i-educate ang publiko.

Malaking karangalan aniya at responsibilidad para sa kaniya na bitbitin ang nasabing torch sa pinakamataas na kaniyang kakayanin upang maramdaman ng buong mundo ang liwanag nito.

 

Read more...