Pahayag ni Pres. Duterte ukol sa VFA, isang ‘warning’ lamang

 

Nilinaw ng Malakanyang na isang babala lamang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ibasura ang Visiting Forces Agreement o VFA.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Ana Marie Banaag, mas mainam na hintayin na lamang ang susunod na hakbang ng pangulo at kung ano ang sasabihin ng mga adviser nito.

Dagdag ni Banaag, hihintayin din ng Palasyo ang latest development sa mga susunod na raw matapos i-defer ng Millenium Challenge Corporation ang botohan sa renewal ng 400 million dollar development assistance package para sa Pilipinas.

Sa arrival speech ni Duterte mula sa Singapore, sinabi nito na maghanda na raw ang U.S. sa revocation ng VFA sabay sabing ‘Bye-bye Amerika.’

Ani Duterte, kayang-kaya ng Pilipinas nang walang ‘American money’ dahil nariyan naman daw ang China para magkaloob na tulong.

 

Read more...