Mga motorista inaasahang dadagsa mga LTO office sa Metro Manila para sa kanilang lisensya

 

Inaasahang simula ngayong umaga, dadagsain na ng mga motorista ang mga tanggapan ng Land Transportation Office sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.

Ito’y dahil sa ngayong araw na sisimulan ng LTO ang pagpapalabas ng mga nabinbing mga plastic license cards ng libu-libong mga nag-renew at kumuha ng mga bagong lisensya ngayong taong ito.

Una rito, inanunsyo ni LTo Chief Edgar galvante na naremedyuhan na ang problema sa ‘backlog’ ng ahensya sa mga plastic license cards.

Simula ngayong araw hanggang February 2, 2017 ay maari nang pumunta sa mga LTO offices ang mga nais na kunin ang kanilang plastic license cards.

Kailangan lamang ipakita ng mga motorist ang orihinal na resibo sa LTO office na kanilang pinag-aplayan.

Para naman sa mga nasa probinsya, inaasahang matatapos ang mga lisensya at maipapakalat na ito sa mga lalawigan pagsapit ng Februaru 2017.

Read more...