Kung sabay na tatakbo bilang pangulo sina Roxas at Poe, mananalo si Duterte-Gov. Salceda

 

Inquirer file photo

Tatalunin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sina DILG Secretary Mar Roxas at Senadora Grace Poe sa 2016 Presidential Elections kung magiging three-way fight ang laban.

Ito ang nakikitang posibilidad ni Albay Gov. Joey Salceda, kilalang stalwart ng Liberal Party o LP.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi si Salceda na maaaring makauntos si Duterte sakaling magpasya si Poe na kalabanin si Roxas sa pampanguluhang halalan.

Ayon kay Salceda, kapag sabay tumakbo sina Roxas at Poe, kapwa sila talo, habang pabor naman ito kay Duterte.”Aaminin namin, kapag sabay yang dalawang yan (Roxas at Poe), parehong talo yan. Kapag nag-announce si Poe, si Duterte tiyak na papasok yan,” pahayag ni Salceda.

Hindi rin aniya paborable ang ganitong scenario kay Vice President Jejomar Binay.

Sinabi pa ni Salceda na matagal nang inaasam ng buong Mindanao na magkapaghalal ng isang Presidente na galing mula sa kanilang rehiyon. “Para kay Duterte, mayroon siyang balwarte, ang buong Mindanao. Pumunta ka pa dun, talagang manginginig ka. There is an articulated aspiration of the entire Mindanao, for the first time they have this chance to get their own President,” ani pa Salceda.

Kaya naman giit ng Albay Governor, kailangan nina Roxas at Poe ang isa’t isa, magtulungan upang tiyak ang kanilang panalo sa eleksyon./ Isa Avendaño-Umali

 

 

Read more...