Bukas na ang simula ng tatlong araw na water interruption, mga residente pinag-iimbak ng tubig

Inquirer.net file photo

Nagpaalala ang Maynilad Water Services Inc., sa kanilang mga customer sa pagsisimula ng ilang oras na water interruption simula bukas, Lunes, August 10.

Ayon sa advisory ng Maynilad, magsisimula ang water interruption ala-1:00 ng hapon bukas, Agosto 10 hanggang alas-10:00 ng gabi sa Huwebes, Agosto 13.

Kabilang sa mga lugar na maapektuhan ng pagkaputol ng serbisyo ng tubig ay ang ilang mga barangay sa Pasay, Parañaque, Muntinlupa, Makati,Las Piñas, Maynila, Caloocan.

Sa lalawigan ng Cavite, maapektuhan ang Bacoor, Imus, Rosario, Kawit, Noveleta at Cavite City.

Narito ang kumpletong listahan ng mga barangay na maapektuhan ng water interruption:

MUNTINLUPA CITY (41-hour service interruption)
11 a.m. ng August 10 (Lunes) hanggang 4 a.m. ng August 12 (Miyerkules)
– Bahagi ng Barangay Buli, Cupang at Sucat

Ang interruption ay dahil sa pagrerealign ng main pipe ng Maynilad na maapektuhan ng proyekto ng DPWH sa Tondo, Manila.- Jay Dones/Dona Dominguez

 

 

Read more...