Duterte hindi pakikialaman ang imbestigasyon laban kina Robles at Argosino

 

Inquirer Photo | Julie Aurelio
Inquirer Photo | Julie Aurelio

Nilinaw ng Malacañang na walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na mangialam sa imbestigasyon sa dalawang assistant commissioners sa Bureau of Immigration (BI) na nadawit sa umano’y pangingikil kay casino tycoon Jack Lam.

Ayon kay Presidential Communications Assistant Sec. Ana Marie Banaag, dumidistansya si Duterte sa kaso nina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles, kahit pa mga kasamahan niya ito sa kaniyang fraternity na kinabibilangan.

Sakali aniyang makitaan ng Department of Justice (DOJ) ng probable cause para kasuhan sina Argosino at Robles, gagawin ito ng kagawaran.

Ilang beses naman na rin aniyang sinabi ng pangulo na hindi makakalusot ang sinumang masasangkot sa katiwalian; maging kaanak man niya ito o kaibigan.

Ayon pa kay Banaag, hindi sapat ang pagkakaalis lang nila sa serbisyo kung mapapatunayan talagang mayroon silang pananagutan, pero hihintayin muna nila ang magiging resulta ng imbestigasyon ng DOJ.

Matatandaang kamakailan ay isinuko nina Robles at Argosino ang P30 million sa P50 million na nakuha nila mula kay Lam na anila’y frame up lamang para sa kanilang sariling imbestigasyon.

Read more...