“Pasensya.”
Yan ang Christmas wish ni Vice President Leni Robredo para kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong papalapit na Pasko.
Kasabay nito, sinabi ni Robredo na kailangang pangalagaan ni Duterte ang kanyang kalusugan lalo’t binigyan siya ng mandato na mamuno sa bansa sa loob ng anim na taon.
Giit ng bise presidente, dapat malaman ng lahat ang tunay na estado ng kalusugan ni Duterte, kahit pa sabihin na hindi life-threatening ang sakit nito.
Nauna nang sinabi ni Duterte na nakararanas siya ng migraine araw-araw, at Buerger’s disease.
Subalit mariing itinanggi ng pangulo na siya ay may cancer.
MOST READ
LATEST STORIES