Pulis-Biñan na nakabaril sa nagwawalang lalake, sasampahan ng kaso

 

Screengrab mula sa FB/Madam Claudia

Nahaharap sa kaso ang isang pulis-Biñan makaraang makunan sa video na binabaril ang isang lalaki na nagwawala umano at nagpupumilit na pumasok sa loob ng isang bangko sa San Pedro, Laguna noong Byernes.

Ito’y matapos lumutang ang naturang video sa social media at makarating ito sa kaalaman ng pumunuan ng San Pedro City police.

Sa naturang video, makikitang na rumesponde ang pulis na nakilala sa pangalang PO3 Dizon sa pagwawala umano ng biktimang si Sharief Amatonding sa harap ng isang bangko sa San Pedro.

Tinangkang hilahin palabas ng bangko ng pulis si Amatonding ngunit mariin ang pagkakapit nito sa pintuan ng establisimiyento.

Nang hindi makuha sa paghila, bahagyang umatras ang pulis at pinaputukan ang biktima hanggang sa mapatay.

Bagama’t hindi nakunan ng video ang aktuwal na pamamaril, ilang putok naman ng baril ang maririnig sa background ng video.

Sa kasalukuyan, nasa halos  900,000 views na ang naturang video.

Giit ng kampo ng Biñan police, nagtangka umanong mang-agaw ng baril ang nagwawalang si Amatonding kaya’t napilitan na ang alagad ng batas na paputukan ito.

Gayunman sa bahagi ng video, malinaw na makikitang nakakapit lamang ito sa pintuan nang tutukan ng baril ng pulis.

Read more...