Naantala ito dahil sa usapin tungkol sa “rule of law” at “civil liberties” sa ilalim ng administrasyon Duterte.
Ayon sa pangulo, naiintindihan nito ang nangyari at welcome siya para dito.
Wala aniyang problema sa pagbitin na ito dahil hindi aniya kailangan ng Pilipinas ang pera ng US.
Dahil dito, sinabi ni Duterte na dapat ring bigyang-pansin ng Amerika ang naging desisyon nito.
Patutsada pa ng pangulo sa pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Zamboanga City, “bye bye America” at maghanda sa pag-alis sa bansa.
Para sa mga Amerikanong hukbo, ipinarating ng Punong Ehekutibo na dapat umalis ang mga ito sa loob ng Camp Armed Forces Western Mindanao Command (Westmincom) sa Zamboanga.
Pagtatanggol pa ng pangulo, “10 times better” ang mga Pilipinong sundalo kumpara sa mga Amerikano.
Samantala, nauna nang sinabi ng Amerika na nababahala sila sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.