Duterte, iginiit na idaan sa public debate ang pagpupulong kay Callmard

duterteImbis na isang pribadong pag-uusap, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na idaan na isang public debate ang pagpupulong nila ni United Nations Special Rapporteir Agnes Callmard kaugnay sa umano’y extrajudicial killings.

Inimbitahan ng pamahalaan si Callamard na pumunta sa Pilipinas upang imbestigahan ang naturang akusasyon kapalit ng ilang kondisyon, idadaan ito sa isang debate kung saan maaaring magtanong ang pangulo sa UN rapporteur.

Tinanggihan naman ito ni Callamard dahil aniya, labag ang kondisyon sa code of conduct ng special rapporteurs.

Paliwanag ni Callamard, hindi dapat basta-basta isinisiwalat ang resulta ng imbestigasyon upang mabuo ang tiwala ng mga pagkukunan nito ng impormasyon.

Imbis na debate, iminungkahi ng rapporteur na magkaroon ng private debriefing kasama si Duterte at isang joint press conference kung saan maaaring kwestiyunin ng pangulo ang resulta ng kaniyang imbestigasyon.

Gayunman sa pagbisita sa Zamboanga City, sinabi ng pangulo na buo na ang kaniyang desisyon at nais nitong mapag-usapan ang nasabing usapin kasama ang publiko.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, utos nito na burahin ang transaksyon ng iligal na droga sa bansa na hindi aniya naiintindihan nito ang nakalakip na implementasyon nito at posisyon ni Duterte bilang pangulo.

Pinoprotektahan lang aniya ng gobyerno ang mga nabiktmang Pilipino dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Samantala, personal namang nag-abot ng tulong-pinansyal si Duterte sa labing anim na sugatang sundalo sa Camp Navarro sa Zamboanga City kahapon.

Read more...