(Breaking): Nagpadala na ng “urgent advisory” ang Pacific Tsunami Warning Center (PTWC) sa mga kalapit na isla at mga bansa ng Papua New Guinea kaugnay sa naganap na magnitude 8 na 6:51 ng gabi oras sa Pilipinas (9:51 AEDT).
Nakasaad sa kanilang maiksing mensahe ang mga katawagang “widespread hazardous waves are possible”.
Sa loob ng tatlong oras ay malaki ang posibilidad na tumaas ang alon sa karagatan sa mga isla at bansa na malapit sa Papua New Guinea.
Kabilang dito ang Indonesia, The Solomon Islands, Pohnpei, Chuuk Island, Nauru, Kosrae at Vanuatu.
Naglabas na rin sila ng babala sa mga barko na naglalayag sa nasabing lugar na mag-ingat sa tsunami.
MOST READ
LATEST STORIES