Tiniyak ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan na libre na sa susunod na taon ang tuition ng mga mag-aaral sa mga State Universities and Colleges.
Ito’y makaraang pagtibayin ang tuition budget para sa mga SUC’s na aabot sa P8.3 Billion na bahagi ng 2017 National Budget na P3.35 Trillion.
Para sa 2017, aabot sa P10 Billion ang budget ng CHED.
Sinabi ni Sen. Loren Legarda, Chairperson ng Senate Finance Committee na aprubado na rin ang pondo para sa Students Financial Assistance Program (StuFAPs).
Makikinabang sa naturang pondo ang mga hindi mabibigyan ng libreng matrikula sa mga nag-aaral sa mga SUCs.
Sa kasalukuyan ay aabot sa 113 ang bilang ng mga State Universities and Colleges ayon sa record ng CHED.