Naglabas ng paalala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa tamang pananamit ng mga dumadalo sa simbang gabi.
Sa kanilang advisory, nanawagan ang CBCP na publiko na magsuot ng maayos na mga damit na angkop sa mga misa.
Nauna nang nilang sinabi na hindi dapat nakakakuha ng atensyon ang mga pupunta sa simbahan tulad ng mga maiiksing palda at sleeveless na mga damit.
Pinayuhan rin nila ang publiko na panatilihin ang kaayusan habang ginaganap ang mga misa at isabuhay ang mga aral ng ebanghelyo.
Wala namang inilabas na tugon ang CBCP kaugnay sa obserbasyon ng ilan na hinahaluan ng pulitika ang misa de gallo.
MOST READ
LATEST STORIES