Isa pang mega drug rehabilitation center ang nakatakdang ipatayo ng China sa mga susunod na buwan.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaking tulong ang nasabing proyekto sa anti-illegal drugs campaign ng kanyang administrasyon.
Tinawag rin ng pangulo na may ginintuang puso ang mga Chinese dahil sa patuloy na suporta na ibinibigay sa pamahalaan.
Nauna rito ay isang drug rehab facilities na may kakayahang kumupkop ng 10,000 mga drug dependents ang itinayo ng isang bilyonaryong Chinese businessmen sa loob ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Idinagdag rin ng pangulo na malapit ng mapakinabangan ng mga pasilidad ng Department of Health ang P1 Billion galing sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Nakalaan ang pondo bilang pantulong sa mga nalulong sa paggamit ng iligal na droga sa bansa.