Mga assets ni Jack Lam sa bansa, pinakukumpiska ni Duterte

JACK LAMIniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkumpiska sa lahat ng assets sa Pilipinas ni gambling tycoon Jack Lam dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Ang utos na ito ng pangulo, ay bukod pa sa utos ng pagpapa-aresto sa kaniya.

Ayon kay Duterte, bagaman nakapagbayad na si Lam ng kaniyang mga tax para sa lahat ng taya sa kaniyang mga sugalan dito sa bansa, wala naman siyang binayarang buwis para sa mga taya mula sa ibang bansa na pangkaraniwang ginagawa online.

Dagdag pa ng pangulo, sa hindi pa lang pagbabayad ng tamang buwis ay may nagawa nang krimen si Lam.

Read more...