Argosino at Robles ng BI, nag-resign na

Photo from BI
Photo from BI

Kusa nang nagbitiw sa kani-kanilang mga pwesto ang dalawang associate commissioners ng Bureau of Immigration na nadawit sa kontrobersya tungkol sa P50 milyong halaga ng pangingikil.

Naglabas sina Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles ng kanilang joint statement kagabi, kung saan nakasaad ang kanilang immediate resignation.

Ito anila ay para mailayo na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alalahanin kaugnay sa mga pekeng alegasyon na ibinabato sa kanila ni Wally Sombrero dahil sa eskandalo.

Paliwanag pa ng dalawa, naging mahirap para sa kanilang mga pamilya ang mga naganap nitong mga nagdaang araw dahil sa isyu.

Napag-alaman rin ng dalawa na sinampahan na rin pala sila ng kaso ni Sombero sa Office of the Ombudsman.

Magugunitang inaakusahan sina Argosino at Robles ng umano’y pangingikil sa gambling tycoon na si Jack Lam kapalit ng pagpapalaya sa 600 sa 1,316 na mga Chinese illegal workers na nagtatrabaho kay Lam.

Matapos mahuli sa CCTV footage na may dalang limpak-limpak na pera mula kay Sombero, itinanggi naman ng dalawa ang alegasyon ng katiwalian at iginiit na nagsasagawa ng katiwalian sa BI.

Kahapon rin ng umaga ay naglabas si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ng look-out bulletin order laban sa dalawa na unang nag-leave nang isang buwan.

Read more...