Umaasa si Finance Sec. Carlos Dominguez III na i-rekonsidera pa ng US aid agency na Millenium Challenge Corp. (MCC) ang kanilang naging desisyon na ihinto ang pagbibigay nila ng pondo sa Pilipinas.
Ilalaan sana ang nasabing pondo para sa ikalawang antiproverty program sa bansa, sa ilalim ng papasok na administrasyon ni US President Donald Trump.
Ayon naman kay Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr., umaasa siyang magbago pa ang isip ng MCC, ngunit hindi naman aniya nagbibigay ang mga ito ng tulong nang may katumbas na kundisyon.
Dumating ang desisyon matapos mabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aniya’y pagpapatrol niya sa Davao City noon sakay ng motorsiklo para maghanap ng mga kriminal na mapapatay.
Nabahala kasi ang White House sa pahayag na ito ni Duterte dahil taliwas ito sa commitment ng pamahalaan ng Pilipinas sa due process at rule of law.
May positibo namang pananawi si Dominguez kaugnay nito, dahil base sa pag-uusap nina Duterte at Trump sa telepono, sinabi ni Trump na nauunawaan nito kung paano kailangang gawin ni Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga.
Gayunman, ipinagtataka niya rin ang desisyong ito ng MCC dahil base sa huling scorecard, nakakuha naman ang naipasa ng Pilipinas sa 13 mula sa 20 indicators.