Mga tindahan sa palengke ng Rosario, Cavite, tinupok ng apoy

 

Mula kay Jong Manlapaz

Umabot sa halos 40 stalls ang nasunog sa sa isang palengke sa likod ng Rosario Municipal Hall Gen. Trias, Cavite.

Unang naitala ang alarma bandang 9:33 ng gabi habang dineklara namang fire out 12:34 na ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng Cavite Bureau of Fire Protection, sa gitnang bahagi ng palengke sa tindahan ng niyog nagsimula ang sunog na umabot sa Task Force Alpha.

 


Problema sa electrical ang nakikitang dahilan ng pagsiklab ng apoy sa nasabing pamilihang bayan.

Sa pagtataya aabot sa sampung milyon hanggang 15 milyon piso ang tinupok na ari-arian sa insidente.

Wala naman namatay o nasugatan sa nasabing sunog.

Read more...