China sa mga anti-aircraft equipment sa Spratlys: ‘Pang self-defense lang’

 

Mula sa AMTI

Kinumpirma ng China na naglagay na ito ng mga gamit-militar sa pinag-aagawang Spratly islands at iba pang mga artipisyal na islang itinayo nito sa South China Sea.

Ang reaksyon ng China ay bilang tugon sa sa isiniwalat na ulat ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na may pitong artificial islands sa South China Sea ay kinakitaan ng military armaments.

Batay sa kanilang microblog, iginigiit ng Chinese Defense Ministry na lehitimo at napapaloob sa batas ang kanilang paglalagay ng military equipment sa naturang mga isla.

Ang mga ito aniya ay pawang mga pang-self defense lamang.

Paliwanag pa ng Chinese Defense Ministry, na kung ang ilang mga bansa ay nagpapakita na ng kanilang kakayahang-militar sa kanilang bakuran, nararapat lamang na maging sila ay maghanda na rin.

Una rito, inihayag ng AMTI na kinakitaan ng mga anti-aircraft weapons at Close-in Weapons System (CIWS) ang pito sa mga isla sa pinag-aawang rehiyon.

Read more...