Isinailalim sa inspeksyon ng mga miyembro ng Philippine National Police Central Luzon Firearms and Explosives Division o PRO-FED ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan ngayong araw upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa nalalapit na kapaskuhan at bagong taon.
Ayon kay PRO-FED Special Inspector S/Insp. Zoilo Ercilla, una nilang tinitignan ang lisensya ng mga tindahan ng paputok upang masigurong lehitimo ang kanilang negosyo.
Bukod pa rito, sinilip rin ng PNP ang kanilang Department of Labor and Employment clearance
Sa pagsusuri, nakapasa naman umano ang lahat ng fireworks stores sa naturang inspeksyon
Sa kabila nito, muling nagpaalala ang PNP na mahigpit na ipinagbawal ang pagbebenta ng Super Lolo at Pla-Pla na siyang numero-unong nagdudulot ng disgrasya sa mga nagpapaputok.
Tiniyak naman ng PNP na habang papalapit ang panahon ng Kapaskuhan ay mas lalo pa nilang dadalasan ang pagsasagawa ng mga inspeksyon sa mga tindahan ng paputok lalo na sa Bulacan.