Pera na pirmado ni Pres. Duterte, malapit nang ilabas

 

Inquirer file photo

Malapit na ang paglalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga peso bills o perang papel na may lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa BSP, sumasailalim na lamang ito sa approval at ilang mga kaukulang proseso.

Ayon kay Deputy Director Grace Malic, sa tuwing nagpapalit ng presidente ang bansa, siya rin dapat ang naka-pirma sa mga umiikot at ginagamit na pera ng mga mamamayan.

Inaasahan naman ng BSP ang magiging high demand sa mga bank notes na ito dahil sa lawak ng popularidad ni Duterte sa publiko, na tiyak na nagnanais rin na magkaroon ng pera na may pirma ng pangulo.

Read more...