Satisfaction rating ni Duterte sa Mindanao, lumagapak

 

Bagaman napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang natanggap niyang “very good” sa kaniyang pangkabuuang satisfaction ratings, kapansin-pansin naman ang ilang puntos na pagbaba ng kaniyang ratings mula sa Mindanao.

Lumagapak kasi ng 11 puntos ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa Mindanao na kaniyang pinagmulan, at kung saan mas laganap ang kahirapan.

Mula kasi sa +85 na natanggap niyang satisfaction rating mula sa Mindanao noong September 2016, bumagsak ito ngayon sa +74.

Ayon kay Akbayan Rep. Tomasito Villarin, posible itong pahiwatig na kahirapan at hindi iligal na droga talaga ang pangunahing problema ng bansa.

Sa kabila naman ng paniniwala ni Villarin na patuloy ang pagiging “very good” ni Duterte sa satisfaction survey, naniniwala rin siya a kung hindi mahaharap ang problema ng kahirapan sa Mindanao, baka itakwil na siya ng mga taga-rito.

Sa SWS survey na isinagawa mula December 3 hanggang 6, lumabas na 77 percent sa mga respondents ang satisfied sa performance ni Pangulong Duterte, habang 13 percent naman ang dissatisfied at 10 percent ang undecided, na nagresulta ng net score na +63 mula sa +64 na naitala noong Setyembre.

Read more...