Ipinalulusot na ‘pork’ sa 2017 budget balak kuwestyunin ni Lacson sa SC

 

Ikinukunsidera ni Sen. Ping Lacson na idulog sa Korte Suprema ang ilang probisyon sa 2017 National Budget.

Ito ay kaugnay sa mga nadiskubre niyang ‘illegal insertions’ sa pambansang pondo sa susunod na taon na nagkakahalaga ng mahigit sa P3.3 trillion.

Paliwanag ni Lacson, ang Korte Suprema ang nagdeklara na labag sa Saligang Batas ang pork barrel o Priority Development Allocation Fund o PDAF noong 2013.

Nadiskubre ni Lacson ang hindi bababa sa P10 bilyon na ‘pork’ sa 2017 National Budget at mahigit sa P8 bilyon dito ay nailipat nila sa pondo ng mga State Colleges and Universities para sa free college education.

Dagdag nito na may mga kumakausap sa kanya na mga miyembro ng Kamara at inaapela ang pagkuwestiyon niya sa realignment o budget insertions.

Nabanggit nito na kadalasan ay sa DOH, DPWH, DSWD at DepEd inilalagay ang ‘pork barrel.’

Dagdag pa ng senador kung mabibigyan ng pagkakataon ay ipapaliwanag niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kuwestiyonableng probisyon sa national budget.

Read more...