Kerwin Espinosa, humirit ng security para sa kanyang mga anak

kerwin-espinosa1-620x488Humihiling ng proteksyon sa Department of Justice si Kerwin Espinosa para sa kanyang mga anak.

Bago nailipat kagabi mula sa PNP-AIDG patungo sa NBI, nasambit ni Kerwin na natatakot umano siya na baka buweltahan ang kanyang mga anak ng mga malalaking personalidad na iniugnay niya sa operasyon ng iligal na droga.

Pangamba ni Kerwin, gagawin ng mga idinawit niyang umano’y drug personalities ang lahat para mapatahimik siya at mapigilan syang tumestigo.

Samantala, sa kabila nito, tiniyak ni Kerwin na habang siyay nabubuhay ay tutulong siya para tuluyan nang mahinto ang operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Kamakalawa ay nailipat mula Kampo Crame patungo sa NBI sa Maynila si Kerwin base sa commitment order nang Baybay Leyte RTC na may hawak ng kanyang mga kaso.

Read more...