Malawakang revamp sa Bureau of Immigration ipinanukala ni Pimentel

HUMAN INTEREST                     JANUARY 3, 2015         Bureau of Immigration               INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ
Inquirer file photo

Ngayon niyayanig ng multi-milyong pisong bribery scandal ang Bureau of Immigration ay nagpahayag pa rin si Senate President Koko Pimentel ng kanyang kumpiyansa kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Ang Bureau of Immigration ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng tanggapan ni Aguirre.

Giit ni Pimentel, tama ang naging rekomendasyon ni Aguirre kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto sina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles bunga ng alegasyon ng pangongotong.

Kasabay nito ang panawagan ni Pimentel para sa balasahan sa Immigration Bureau gayundin ang modernisasyon ng kawanihan.

Naniniwala ang senador na mananatili ang korupsiyon sa ahensya kapag hindi nabago ang mga regulasyon at kondisyon sa naturang sangay ng DOJ.

Sina Argosino at Robles ay kapwa inirekomenda ni Aguirre kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...