Ikinatuwa ng Malacañang ang naging resulta ng 4th quarter survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “very good” net satisfaction rating.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sumasalamin ito ng sentemyento ng taong bayan ukol sa trabaho ng pangulong.
Dagdag ni Andanar, magsisilbing inspirasyon sa administrasyong Duterte ang pinakabagong sws survey.
Pagtitiyak ng kalihim, lalo pang paiigtingin ng administrasyon na tuparin ang mga pangako ng pangulo na labanan ang ilegal na droga, kriminalidad at korupsyon.
Kasabay nito, umaapela ang Malacañang sa publiko na unawain na lamang ang pangulo sa kanyang matatapang na pananalita.
Hindi aniya ito nangangahulugan ng personal na pag atake kaninuman kundi nais lang ng pangulo na ihayag ang kanyang tunay na damdamin ukol sa mga problema sa bansa.