Pamunuan ng PNP magkakaroon ng balasahan

magalong1
Inquirer file photo

Magpapatupad ng revamp o balasahan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) bunsod na rin ng pagreretiro sa pwesto ng ilang mga opisyal.

Ang reorganization ay base na rin sa naging rekomendasyon ng PNP Senior Officers Placement and Promotions Board o SOPPB  matapos ang pagreretiro ni Police Dir. Benjamin Magalong bilang Deputy Chief for Operations.

Apektado ng nasabing re-organization ang ilan sa posisyon sa PNP Command Group, Directorial Staff, Directorate for Integrated Police Operations, National Support Units at Police Regional Offices.

Itinalaga ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa si Police Deputy Dir. Gen Ramon C. Apolinario bilang Deputy Chief for Operations.

Epektibo naman ngayong araw ay magiging Acting chief na ng Directorial Staff si Dir. Fernando H. Mendez Jr.

Magiging acting Director for Personel and Records Management naman si C/Supt. Ramon Purugganan, acting Director for Plans si C/Supt. Edwin Roque, acting Director ng Anti-Kidnapping Group si S/Supt. Glenn Dumlao at PSSupt. Manolo Ozaeta bilang acting Director for Legal Services.

Kasama rin sa major revamp ng PNP sina C/Supt. Sheldon Jacaban bilang acting Deputy Director sa Directorate for Intelligence, S/Supt. Renato C. Angara bilang acting Deputy Regional Director for Administration o ADRDA ng PRO 2, S/Supt. Jose Briones Jr. bilang ADRDA ng PRO 12, S/Supt. Froilan Quidilla ng ADRDA ng PRO Mimaropa Region at C/Supt. Franklin Moises Mabanag ng ADRDA ng PRO7.

Read more...