Nilinaw ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay na tuloy ang pagbisita sa bansa ni United Nations Special Rapporteur on extra judicial killing Agnes Callamard sa susunod na taon.
Ito ang naging tugon ng opisyal sa naunang pahayag ni Callamard na hindi siya pinayagang pumunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas.
Ipinaliwanag pa ni Yasay na ang sinabi ni Duterte ay kailangang sumunod si Callamard sa mga kundisyon na itatakda ng pangulo bago ang kanilang gagawing imbestigasyon sa mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.
Nauna nang hinamon ng pangulo si Callamard na dapat ay validated ang lahat ng kanyang mga records at hindi ibinase lamang sa mga media reports o kaya ay mga feeds mula sa mga kritiko ng administrasyon.
Ilang mga kritiko naman ang pamahalaan ang nagsabi na nakahanda silang maglabas ng ilang mga impormasyon kaugnay sa tunay na bilang ng mga napapatay simula nang maupo si Duterte sa pwesto noong July 1.