2 granada at iba’t ibang armas nasabat sa maximum security compound ng Bilibid

Kuha nI Richard Garcia
Kuha nI Richard Garcia

Hindi pa rin maubos-ubos ang mga kontrabando sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Kagabi nagsagawa ng raid ang mga tauhan ng Special Action Force (SAF) at Bureau of Corrections (BuCor) sa maximum security compound ng bilangguan.

Nasabat sa nasabing raid ang dalawang granada na natagpuan sa basketball court.

Maliban sa granada, may nakuha ring tatlong piraso ng 45 caliber pistol at 22 caliber na baril.

 

Read more...