Burgos, Surigao Del Norte niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Burgos Surigao Del NorteNiyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bayan ng Burgos sa Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig kaninang 9:06 ng umaga sa 31 kilometers North ng Burgos.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 32 kilometers lamang.

Dahil sa nasabing pagyanig, naitala ng Phivolcs ang Intensity 4 sa Burgos, Surigao Del Norte; INtensity 3 sa Surigao City at Hinunangan, Southern Leyte.

Habang Intensity 1 naman ang naitala Palo, Leyte; Borongan City; at Catbalogan City.

Samantala, kaninang alas 9:31 naman umaga, niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng San Pascual sa Masbate.

 

Read more...