Nahaharap sa panibagong kaso si retired five-division champion Floyd Mayweather.
Ito ay matapos siyang ireklamo ng pamunuan ng SLS Hotel sa Las Vegas.
Sa ulat ng TMZ, binayaran si Floyd para sa isang event na dapat ay naganap noong Pebrero.
Aabot sa 35,000 dollars umano ang nakasaad sa kontrata na ibabayad kay Floyd para sa 90 minutes na trabaho pero hindi ito sumipot at sa halip ay pinalawig pa noon ang bakasyon niya sa Europe.
Hindi umano isinauli ni Mayweather ang advance payment na ibinagay sa kaniya ng hotel.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naharap sa kaso ang boxer.
MOST READ
LATEST STORIES