Simbang Gabi, tuloy kahit may gabi-gabing patayan sa bansa,

 

Inquirer file photo

Tuloy ang tradisyunal na ‘Simbang Gabi’ kahit may mga nagaganap na patayan sa mga lansangan sa Metro Manila at marami pang bahagi ng bansa.

Naniniwala ang Simbahang Katolika na hindi matatakot ang mga Kristiyano na magtungo pa rin sa mga simbahan at magdasal ng siyam na sunud-sunod na araw kahit madaling-araw kahit kaliwa’t-kanan ang mga kaso ng pagpatay sa mga drug personalities.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, parish priest ng Nuestra Señora Del Perpetuo Socorro Parish sa Sampaloc,Maynila malalim na ang tradisyon ng Simbang Gabi sa mga Pinoy.

Sa halip aniya na umiwas, naniniwala si Fr. Secillano na mas lalong dadagsa pa ang mga Pilipino sa mga Simbahan upang ipagdasal ang paghinto ng extrajudicial killings.

Naniniwala aniya ang Simbahang Katolika na tulad ng mensahe ng Pasko na sumisimbolo ng kapanganakan ng sanggol na si HesuKristo, may karapatan ang isang tao na magbagong buhay at mabuhay kahit nasadlak ito sa kasalanan.

Gayunman, kung pinuputol ang buhay ng isang tao sa pamamagitan ng pagpatay, ay inaalis na ang tsansang magbago pa ang mga ito.

Read more...