Mga kaso ng pagpatay mula nang manungkulan si Pangulong Duterte halos 3 libo na

 

Umakyat na sa 2,866 ang naitatala na bilang ng mga ‘DUI’ o Death Under Investigation na iniimbestigahan ng PNP.

Sa tala ng PNP mula July 1, hanggang December 12, pumapalo pa lamang sa 785 o 21.38 percent ang nareresolba ng PNP.

Umaabot rin sa 500 ang mga suspek na naaresto habang may tinutugis pang 285 na mga suspek

Gabi-gabi, may mga naitatalang kaso ng pamamaril sa mga hinihinalang drug suspects ng mga hindi nakikilalang armadong salarin.

Ilan sa mga ito ang pinapasok pa sa loob ng kanilang tahanan at kahit natutulog ay pinapuputukan hanggang sa mapatay ng mga suspek.

Read more...