Dismayado ang Makabayan bloc sa pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang isang daan at tatlumpu’t apat na political prisoners.
Sa naunang paliwanag ng pangulo, sinabi niyang hindi siya magpapalaya ng maraming political prisoners dahil mawawalan siya ng baraha sa peace talks sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kina Act Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao at Bayan muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, hindi dapat itinuturing ni Duterte na baraha ang political prisoners na mistulang pwedeng i-hostage sa negosasyon.
Giit ng Makabayan congressmen, hindi ito isyu ng baraha sa peace talks kundi usapin ng social justice para sa political prisoners na nagdusa sa kulungan dahil sa gawa-gawang kaso lamang ng estado.
Paalala ni Zarate, malinaw sa inisyal na napagkasunduan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF peace panels na may commitment ang pamahalaan na magpalaya ng 134 political prisoners.
Ang mga ito ay pawang nakatatanda na at may mga sakit pa.
Medyo nalulungkot ni Casilao na nagbabago ang isip ng pangulo sa isyu ng release ng political prisoners depende sa kung sino ang kaharap nito lalo na kung opisyal ng militar ang mga ito.