Christmas wish ni Robredo kay Duterte : Good health

Leni-digong
Inquirer file photo

Hangad ni Vice President Leni Robredo ang magandang kalusugan para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pag-amin ng pangulo na may iniinda siya sa kanyang kalusugan.

Ayon kay Robredo, kung anuman ang mga sakit sa katawan nararamdaman ni Duterte ay sana malampasan niya ito.

Sinabi ni Robredo na ang pangulo ang inihalal na mamuno sa bansa at kailangang malakas ito.

Una nang inamin ni Duterte na mayroon siyang Buergers disease at araw araw na nakakaranas ng migraine o matinding pagsakit ng ulo.

Kaugnay nito, inamin ni Robredo na hindi niya nagustuhan ang biro noon ng pangulo na ipinagdarasal niya na bumagsak ang kanyang eroplano sa Bukidnon.

Ayon kay Robredo, hindi magandang biro iyon dahil namatay ang kanyang asawa na si dating Interior Sec. Jesse Robredo dahil sa bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano sa Masbate.

Hindi rin daw maganda na mag-wish ng masama para sa kanyang kapwa.

Read more...