Pumalo na sa 2,102 ang kabuuang bilang ng mga drug suspects na napapatay sa ilalim ng Project Double Barrel Alpha ng Philippine National Police.
Sa tala ng PNP, mula July 1 hanggang Dec 14 ng taong kasalukuyan ay umakyat na sa 40,932 na mga drug suspects ang naaresto sa kabuuan na 38,913 na ikinasang anti-illegal drugs operations.
Pumalo naman sa kabuuang 908,244 ang mga sumuko mga drug suspects kung saan 70,848 dito ay mga pushers habang 837,396 ay mga users o drug addicts.
Samantala, nanatili naman sa 19 ang mga KIPO o killed in police operations habang 55 ang sugatan sa panig ng PNP habang 3 naman ang napapatay sa mga sundalo at 8 ang nasugatan.
Sa panahon ng Kapaskuhan ay magpapatuloy pa rin ang mga anti-illegal drug operations ng PNP.
Nauna nang nilinaw ng pamunuan ng pambansang pulisya na walang kinalaman sa mga anti-drug operations ang hindi paglalagay ng mga tape sa mga baril ng mga pulis sa pagsalubong sa Bagong Taon.