Mark Anthony Fernandez, naghain ng not guilty plea kasong pagbibitbit ng illegal drugs

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Naghain ng not guilty plea ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa kasong transportation of illegal drugs na isinampa laban sa kanya.

Kasama ni Fernandez ang abogado nitong si Sylvia Flores sa arraignment sa Angeles City Regional Trial Court.

Matapos ang arraignment ay agad na ibinalik ang aktor sa Pampanga Provincial Jail.

Itinakda naman ng korte ang susunod na pagdinig sa kaso ni Mark Anthony sa January 18, 2017.

Naaresto si Fernandez noong October 3 sa Angeles City, Pampanga dahil sa dala umano nitong isang kilong marijuana sa kaniyang sasakyan.

Nagpositibo ito sa marijuana pero negatibo naman sa shabu test.

 

Read more...